--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpaalala ngayon ang Roxas Police Station sa magulang na bantayan ang kanilang mga anak matapos madaganan ng semento ang isang grade 4 pupil sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Jayson Collawit ang Deputy Chief of Police ng Roxas Police Station, sinabi niya na ang  nasawi ay si Jefferson Gumarin,  labing apat na taong gulang na residente ng nasabing barangay.

Aniya,  bago ang insidente ay nangongolekta ng bakal o scraps ang biktima kasama ang nakababata nitong kapatid sa ibaba ng nahukay na drainage project para sana ibenta sa junk shop.

Habang sinusubukang hilain ng biktima ang isang bakal para sana lagariin ay gumuho ang malaking tipak ng semento mula sa itaas ng hukay at nahulog ito sa biktima.

--Ads--

Nagtulungan naman aniya  ang mga by stander na i-angat ang nakadagan semento kung saan nagawa pa nilang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ng patay ng kaniyang attending phycisian.

Matapos ang insidente ay tinungo ng pulisya ang contractor ng drainage canal sa tanggapan ng DPWH kasama ang magulang ng bata.

Agad naman aniya nagbigay ang contractor ng tulong pinansiyal sa pamilya ng biktima.

Nilinaw naman ng PNP na walang pananagutan ang contractor sa insidente kaya naman nagpaalala sila sa mga magulang na hanggat maaari ay bantayan ang kanilang mga anak.