--Ads--

Isang malawak na taniman ng marijuana na sumasaklaw ng ilang ektarya sa kabundukan ng Benguet ang winasak ng Philippine National Police (PNP) matapos ang isang estratehikong operasyon sa masukal na kagubatan nitong Sabado.

Ang pinagsanib na puwersa ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang operasyon, katuwang ang Kibungan Municipal Police Station, PDEU at PIU ng Benguet PPO, RIU14, RID ng PRO Cordillera, at PDEA-CAR ay nagsagawa ng eradikasyon sa Sitio Dalipey, Tacadang, Kibungan, Benguet noong Enero 10, 2026.

Sa operasyon, nasira ang 18,000 fully grown marijuana plants at nakarekober ng 10 kilo ng tuyong marijuana stalks na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na ₱4,800,000.00.

Natuklasan ng mga operatiba ang anim na taniman at isang imbakan na nakatago sa communal forest na may lawak na humigit-kumulang 2,250 square meters. Kabilang sa mga pangunahing nadiskubre ang 6,800 marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱1,360,000.00, 5,600 marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱1,120,000.00, 10 kilo ng tuyong marijuana stalks na may SDP na ₱1,200,000.00.

--Ads--

Lahat ng halaman at stalks ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar, habang ang mga sample ay ipinadala sa RFU CAR para sa qualitative testing.


Ipinakita ng operasyon ang pagpapatupad ng PNP Focused Agenda, isang blueprint ng pagbabago upang gawing mas maaasahan at responsable ang serbisyo ng pulisya. Sa kasong ito, malinaw ang prayoridad ng Enhanced Managing Police Operations na matagumpay na tumarget sa ilegal na pagtatanim ng droga sa liblib na lugar.