CAUAYAN CITY – Muling pinaalalahanan ng pamunuang ng 5th Infantry Star Division ng Philippine Army na nakahimpil sa Camp Melchor dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela ang hanay ng pulisya na panatilihin na matatag ang kanilang mga Camp Defense Plan .
Ito ay makaraang naging abala na din ang mga pulis sa pagbabantay sa mga eskwelahan sa muling pagbubukas ng klase.
Ang paalala ay ginawa ni Lt Gen. Paul Talay Atal, Commander ng 5th Infantry Division.
Anya, nauunawaan nila na abala ang mga pulis dahil ang mga ito ay nagtalaga ng kanilang pwersa sa ilang paaralan ngunit kailangan pa rin anya ang ibayong pakikipag-ugnayan nila sa mga sundalo.
Magugunita na sinamantala ng mga rebeldeng komunista ang kahinaan ng ilang himpilan ng PNP sa region 2 na ang ilan ay nakuha pa ang armas ng mga otoridad.
Anya, handa naman tumugon ang kanilang hanay sa anumang pangangailangan ngunit hindi sila maaaring tuwirang tumulong sa ilang mga trabaho ng pulisya.
Sa ngayon ay wala pa sa red alert ang mga tropa ng pamahalaan dito sa Lambak Cagayan habang ang PNP ay nananatiling naka-heightened alert.




