--Ads--

Tiniyak ng mga awtoridad ang mahigpit na pagbabantay sa mga sasakyang dadaan kasabay ng muling pagbubukas ng Cabagan-Sta. Maria Bridge.

Ayon kay PMaj. Merwin Villanueva, Chief of Police ng Cabagan Police Station, magpapatupad sila ng mas pinaigting na seguridad upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang anumang aksidente o aberya sa tulay. Naka-deploy ang mga tauhan ng kapulisan upang bantayan ang mga sasakyang papasok at lumalabas sa lugar, lalo na sa mga oras na inaasahang maraming biyahero.

Dagdag pa ng mga awtoridad, isang steel bridge ang inilagay bilang pansamantalang daanan sa gumuhong bahagi ng tulay habang patuloy ang ginagawang pagsasaayos sa istruktura nito. Dahil dito, mahigpit na ipinatutupad na 3-toneladang sasakyan lamang ang pinapayagang dumaan upang matiyak na hindi muling masisira ang tulay at maiwasan ang posibleng sakuna.

Patuloy na nagpapaalala ang mga otoridad sa mga motorista na sumunod sa limitasyon sa bigat ng sasakyan, magmaneho nang maingat, at makipagtulungan sa mga naka-deploy na kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa paglalakbay.

--Ads--

Inaasahan din na makakatulong ang muling pagbubukas ng tulay sa mas mabilis na transportasyon ng mga residente at biyahero na dumadaan sa nasabing ruta.