--Ads--

CAUAYAN CITY – Umapela ang hepe ng Kasibu police station, Nueva  Vizcaya sa mga netizen na huwag mag-post ng fake news sa social media.

Ito ay kasunod ng naganap na engkwentro kamakailan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng apat na sundalo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sen. Insp. Norly Gamal, hepe ng Kasibu Police Station, sinabi nito na natatakot na umano ang mga dayuhan na mamasyal sa kanilang bayan dahil sa nakukuhang impormasyon sa social media na nakakatakot umano magtungo sa lugar.

Dahil na rin umano sa mga nagaganap na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA.
Dagdag pa ng hepe na exaggerated ang mga impormasyon mula sa social media.

--Ads--

Pagtitiyak nito, nananatiling mapayapa at ligtas ang naturang lugar.