--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinayagan na ang ilang provincial bus company na makapagsagawa ng point to point na biayhe mula sa Metro Manila hanggang sa Lunsod ng Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na magkakaroon na ng dry run ngayong araw ang mga bus company mula sa Metro Manila hanggang Isabela pangunahin sa SM terminal sa Lunsod ng Cauayan.

Aniya dahil point to point ang sistema ng byahe ay mahigpit na ipagbabawal ang pagkuha o pagbaba ng mga pasahero sa kalsada.

Ayon kay POSD Chief Mallillin ang mga pasaherong nais bumaba sa mga lugar na ipinagbawal ay dadalhin sa Police Station para sa imbestigasyon at ipapasuri rin sa DOH kung sila ay carrier ng virus.

--Ads--

Tatanggalan naman prangkisa ang bus na mahuhuling lumabag sa panuntunan.

QR Code at Vaccination Card ang kakailanganin ng mga pasahero upang sila ay payagang makasakay sa mga provincial buses at tanging sa bayan ng Aritao Nueva Vizcaya lamang ang stop over.

Mahigpit ding ipagbabawal ang pagkain ng mga pasahero sa loob ng bus.

Ayon pa kay POSD Chief Mallillin, ang point to point system ay ipapatupad upang mamonitor ang mga pumapasok sa lalawigan at maiwasan ang pagkalat ng virus pangunahin na ang Omicron Variant.

Ang bahagi ng pahayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin.