--Ads--

CAUAYAN CITY – Humiling ng panalangin ng sambayanang Pilipino ang ina ni Pole Vaulter Ernest John Obiena para sa pagsabak ng anak sa Tokyo Olympic Games na magsisimula na sa Biyernes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginang Jeanette Obiena, ina ni EJ Obiena na handa na ang kanyang anak sa pagsabak sa Olympic Games.

Malaki aniya ang naging sakripisyo nito gayundin ang iba pang atleta na sasabak sa Tokyo Olympics kaya kailangan nila ng panalangin para sa kanilang panalo at kaligtasan.

Sa ngayon ay nasa Italya pa si EJ at sa Hulyo 22 o 23 ang posibleng pagdating niya sa Japan.

--Ads--

Sasabak sa preliminary competition si EJ sa July 31, 2021 at sa ikatlo naman ng Agosto ang final kung papalaring manalo.

Ayon kay Gng. Obiena, hindi siya makakasama dahil mahigpit ang protocol kaya susuportahan na lamang niya online ang kanyang anak.

Ang makakasama niya sa pagsabak sa Tokyo Olympic Games ay ang kanyang ama dahil siya rin ang kanyang coach.

Ang pahayag ni Gng. Jeanette Obiena