--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na sinibak na sa pwesto ang Regional Director ng Police Regional Office Number 2.

Si Police Chief Supt. Eliseo Rasco ay na-relive sa kanyang pwesto bilang pinakamataas na pinuno ng pulisya sa region 2 simula kahapon (May 5, 2017)

Ayon kay Police Supt. Ronald Laggui, ang information officer ng PNP Isabela, ang bagong acting regional director ng PNP sa ikalawang rehiyon ay si Police Chief Supt. Robert Guzman Quenery, dating chief of the Aviation Security Group.

Pinaniniwalaang ito ay kaugnay sa mga serye ng pagsalakay at panghaharass ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga himpilan ng pulisya.

--Ads--

Una nang sinibak at pinalitan sa pwesto ang provincial director ng PNP sa lalawigan ng Quirino at ang hepe ng Maddela Police Station matapos ang paglusob ng NPA na ikinamatay ng isang pulis.

Sinibak din ang provincial director ng PNP Cagayan at ang hepe ng Amulong Police Station kaugnay pa rin ng pagsalakay ng rebeldeng grupo.