--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nasa heightened alert ang Police Regional Office (PRO2) hangga’t hindi nakakalabas sa bansa ang bagyong Betty.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Col. Emil Pajarillo, Public Information Officer ng PRO2 na  nakaantabay pa rin ang kanilang Incident Management Team (ICT) na tututok sa sitwasyon ng ikalawang rehiyon habang hindi pa nakakalabas ng bansa ang bagyong Betty.

Wala naman anyang naitalang casualty sa pagdaan ng bagyong Betty maliban sa nasirang bodega ng Port Irene sa Santa Ana, Cagayan na nagkakahalaga ng 10 million pesos.

Bumalik na sa kanilang mga bahay ang mga evacuees batay sa pahintulot ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

--Ads--