
CAUAYAN CITY – Sisirain ngayong araw ng Police Regional Office o PRO2 ang kanilang halos tatlong daan illegal na paputok na nasamsam sa isinagawang operasyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Lt. Col. Efren Fernandez II., tagapagsalita ng PRO2 na mayroon na silang naitalang dalawamput anim na firecracker injuries.
Sinabi pa ni Lt. Col Fernandez na aabot sa dalawang daan hanggang tatlong daang illegal na paputok ang nakumpiska ng PRO2 na kanilang sisirain ngayong araw.
Anya ang mga nasamsam na mga illegal na paputok ay kanila pang sinisiyasat kung ipinuslit ng mga biyaherong umuwi sa kani kanilang mga lalawigan.
Samantala, Inihayag pa ni Lt. Col Fernandez na patuloy pa rin ang kanilang anti criminality operations .
Inihayag pa ni Lt. Col Fernandez na ikinatuwa nila na walang naitalang nagpaputok ng baril sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.










