--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay na ng Solana Police Station sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Santiago City ang policewoman na kinasuhan ng murder kaugnay ng pagpaslang sa kanyang sa retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) noong Abril 2019.

Si PSSg Marilou Alingog na nakatalaga sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Solana Police Station sa Cagayan ay idinawit mismo ng ina, kasambahay at ilang kamag-anak sa pagpatay sa kanyang mister na si Ret. PLt Col Danny Alingog ng Fugaru, Angadanan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt Junjun Balisi, hepe ng Solana Police Station na sumuko mismo sa kanya si SSg Alingog at itinanggi ang akusasyon sa kanya ngunit pinayuhan niya na mas makakabuting harapin niya ang kasong murder na isinampa laban kanya.

Matapos silang makakuha ang commitment order sa korte sa Echague, Isabela ay ipinasakamay na nila sa BJMP Santiago si Alingog.

--Ads--

Idinagdag pa ni PCapt. Balisi na ikinagulat ang pagkakasangkot ng kanyang tauhan sa pagpatay sa kanyang asawa.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang mga inihaing circumstancial evidence pangunahin ang salaysay ng ina at kamag-anak ng biktima, maging ng kasambahay ang itinuturing na matibay na ebidensiya para sampahan ng kaso si PSSg Marilou Alingog.

Sinabi ng ina ng pinatay na retiradong opisyal na sinabi umano ni PSSg Alingog nang mag-away sila noon habang nakaburol ang anak na kahit patay na ang mister ay isusunod niya ang kanyang mga kabit.

Ang tinig ni PCapt Jun-jun Balisi

Magugunitang noong Abril 1, 2019 nang pagbabarilin si Ret PLt Col Danny Alingog ng ridin- in-tandem criminal sa isang sabungan sa barangay Tuguegarao, Echague, Isabela.