
CAUAYAN CITY– Hindi na ikinagulat ng isang political analyst ang kinalabasan o resulta ng halalan naka-agaw pansin sa kanya ang paulit-ulit na problema ng mga botante tuwing halalan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst sinabi niya na dahil kilala ang Pilipinas bilang bansang may malaking voter’s turnout tuwing halalan at nararapat lamang na napaghandaan ito ng COMELEC.
Subalit tulad ng mga nagdaang halalan naging suliranin pa rin ng mga botante ang mahabang pila, hindi mahanap na pangalan sa mga presinto at depektibong Vote Counting Machine.
Dahil sa paulit ulit na aberya tuwing halalan ay hindi maaaring sisihin ng COMELEC ang mga botante na paulit ulit ring magduda sa resulta, gayunman ay unti unting nagiging malinaw ang resulta ng Halalan sa National Position dahil sa malayo na ang agwat ni dating Senator Ferdinand Bong Bong Marcos kay Vice Ppresident Leni Robredo at wala na ring pagkakataong makahabol .
Kung matatandaan na una naring nag-concede sa Vice Presdidential Race si Senate President Tito Sotto matapos ang umano’y landslide win ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Hindi na rin kagulat gulat para kay Yusingco ang pangunguna sa Senatorial Race ng Aktor na si Robin Padilla dahil sa kaugalian ng mga botante na nawiwiwli sa mga kilalang pangalan.










