Binabasag ni Pope Leo XIV ang tradisyon sa Vatican matapos lumipat sa bagong-renovate na papal apartment kasama ang apat na malalapit na kaibigan.
Ayon sa ulat, ito ang unang pagkakataon sa makabagong kasaysayan na ang Santo Papa ay mamumuhay nang sama-sama sa opisyal na tirahan ng Apostolic Palace.
Isa sa mga makakasama niya ay si Father Edgard Rimaycuna, isang Peruvian na personal secretary at matagal nang kaibigan ni Pope Leo mula pa sa pastoral mission niya sa South America.
Kilala si Father Edgard bilang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan at tapat na kasama ng Papa.
Ang hakbang na ito ay sinasabing sumasalamin sa “community spirit” ng Augustinian order kung saan kabilang si Pope Leo.
Isa rin itong paglayo sa istilo ni Pope Francis, na tumira sa guesthouse imbes na sa papal apartments noong siya’y naordinahan noong 2013.
Matapos pumanaw si Pope Francis noong Abril, isinagawa ang tradisyunal na pagselyo sa papal apartments bago ito muling binuksan para sa renovation. Simula noon, pansamantalang nanirahan si Pope Leo XIV sa Sagrestia building malapit sa St. Peter’s Basilica
Matatagpuan ang bagong apartment ni Pope Leo XIV sa loob ng Apostolic Palace isang gusaling itinayo pa noong ika-15 siglo kung saan matatagpuan ang opisina ng Santo Papa, mga museo, at ang tanyag na Sistine Chapel.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang renovation ng 10 suite na nasa ikatlong palapag ng palasyo. Matagal itong hindi nagamit kaya kinailangan ng kumpunihin sa mga sira dulot ng tagas ng tubig at labis na halumigmig sa lugar.








