CAUAYAN CITY- Mas lalong paiigtingin ng Land Transportation Office at Public Order and Safety Division ang panghuhuli sa mga lumalabag sa batas trapiko pangunahin na ang mga nagmamaneho na walang lisensya, walang helmet at naka-inom.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chif Pilarito Mallillin, sinabi niya na upang ma-disiplina ang mga motorsita ay hindi na ticket mula sa POSD ang ibibigay sa mga violators kundi ticket na mula sa LTO.
Aniya, ang binabayaran sa ticket ng POSD ay 500-1,500 pesos, mas mababa kung ikukumpara sa 12,000 pesos na multa sa LTO.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit isang daan ang na-impound nilang motor at hindi aniya ito mailalabas ng may-ari kung wala itong lisensya.
Maging ang mga estudyante aniya ay hindi nila palalagpasin kung sakali mang mayroon silang traffic violations.
Sa pamamagitan nito ay inaasahan ng POSD at LTO na lahat ng motorista ay magkakaroon ng takot na lumabag sa batas trapiko.