--Ads--

Nakahanda na ang Public Order and Safety Division o POSD sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na nakipag-ugnayan na sila sa kanilang katuwang na government agencies sa pagbabantay sa Undas tulad ng Highway Patrol Group o HPG, Philippine National Police o PNP at Land Transportation Office o LTO.

Umaasa naman ang POSD Chief na walang anumang hindi kanais-nais na pangyayari ang maitatala paggunita ng Undas at tiniyak niya ang mahigpit na pagbabantay ng kanilang hanay.

Nagkaroon aniya ng pulong ang LTO sa mga force multipliers para sa paglalagay ng motorists assistance centers sa Region 2.

--Ads--

Dalawa naman ang inilagay ng assistance center sa Cauayan City pangunahin sa Nungnungan at sa Cabatuan road corner.

Layunin ng nasabing assistance center ang pagtulong sa mga motoristang masisiraan o mga hindi mahanap ang lugar na kanilang pupuntahan.

Pangunahing babantayan nila ang mga national highways at mga sementeryo upang matiyak na hindi magkaroon ng pagsikip ng daloy ng trapiko.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang mga magtutungo sa sementeryo na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga patalim at iba pang nakamamatay na gamit maging ang pag-inom ng alak sa tabi ng puntod at paggamit ng karaoke.