--Ads--

Nakahanda na ang Public Order and Safety o POSD sa pagbubukas ng klase bukas araw ng Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na alas sais ng umaga ay naka deploy na ang mga POSd personnel na siyang mag mamando sa daloy ng trapiko sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Aniya, inaasahang ang mabigat na daloy ng trapiko ay mararanasan hanggang alas-7 ng umaga kaya ito ang kanilang tututukan.

Wala naman aniyang major road construction na inaasahang makakaapekto sa trapiko bukas.

--Ads--

Isa sa kanilang babantayan ay ang Cauayan City Stand Alone Senior Highschool at Cauayan National Highschool kung saan nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga estudsyante.

Gaya ng napagkasunduan ng POSD, LGU at SDO Cauayan magkakaroon parin ng schedule o shifting sa pag-uwi ng mga estudyante para maiwasan ang sisikan at mabigat na daloy sa trapiko.

May susundin namang entry at exit route sa back door ng Cauayan National Highscool maging Cauayan South Central School para mapabilis ang dalaoy ng trapiko sa pag-uwi ng mga estudyante.

Magkakaroon naman ng one way traffic scheme sa bahagi ng Maramag St. at FLDY extension dahil sa kasalukuyang road construction.

Inaasahan namang bubuksan na rin ang back gate sa ISU-Cauayan Campus para magkaroon ng karagdagang access ang mga sasakyan.

Muli naman pinaalala niya na mananatili ang vertical clearance sa Alicaocao bridge para maiwasan na makadaan ang malalaking sasakyan sa kagagawang Alicaocao overflow bridge.

Babantayan din nila ang mga estudyante ang papasok sa paaralan na gagamit ng motorsiklo.

Pangunahin sa kanilang susuriin ay ang pagsusuot ng helmet at pagkakaroon ng lisensya.