--Ads--

Handa na ang hanay ng Public Order and Safety Division (POSD) upang umantabay sa nalalapit na Semana Santa pangunahin na ang kanilang pagbabantay sa daloy ng trapiko sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na laging naka-full alert ang kanilang hanay sa anumang oras at araw upang matiyak ang kapayapaan sa Lungsod.

Pangunahin sa kanilang tututukan ay ang mga ilog inaasahang dadagsain ng mga residente sa Holy Week.

Maglalagay aniya sila ng restricted area sa mga ilog upang mabigyang babala ang mga magtutungo roon sa kung saang bahagi lamang sila ng ilog pwedeng mamalagi at maligo.

--Ads--

Plano rin nilang gumamit ng drone upang mas mabilis nilang mamonitor ang mga kaganapan sa Cagayan River na nasasakupan ng Cauayan City.

Nakipag-ugnayan na rin ang POSD sa mga barangay officials at sa ibang mga law enforcer agencies para sa kanilang pagtutulungan na makamit ang zero incident sa obserbasyon ng Semana Santa.