--Ads--

Nakikiusap ngayon ang mga traffic enforcers pangunahin na ang Public Order and Safety Division o POSD sa lahat ng motorista na iwasang mag-abot ng pamasko sa mga Badjao na nanlilimos/namamasko sa daan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, hindi lamang aniya nagiging sanhi ng matinding trapiko ang ginagawang pamamasko ng mga Badjao sa mga sasakyan na bumabaybay sa national highway.

May mga pagkakataon umano na nagiging sanhi rin ng disgrasya ang naturang paraan ng pamamasko ng mga Badjao.

Bukod sa mga establisyimento ay target din umanong katukin ng mga Badjao ang bintana ng mga sasakyan at mamasamain pa ng mga ito kung hindi sila mabibigyan ng pera.

--Ads--

Bukod dito, posible aniyang maipit ang mga kamay ng badjao o masagasaan pa sila kung sila ay inaabutan ng pera habang umaandar ang sasakyan sa national highway.