--Ads--

Pinag-aaralan na ng Public Order and Safety Division kung anong mga kalsada sa Lungsod ng Cauayan ang dapat I-reactivate bilang paghahanda sa pagsisimula ng klasa sa Hunyo 16.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, sinabi niya na magsasagawa sila ng mga re-routing at maglalagay ng mga visible signages malapit sa mga paaaralan.

Ito ay upang maiwasan ang pagsikip sa daloy ng trapiko kaya naman tiniyak niya na 6:30 pa lamang ng umaga ay naka-deploy na ang mga POSD Personnel sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Nakipag-ugnayan na umano sila sa mga paaralan na kung maaari ay buksan ang backdoor sa kanilang paaralan upang maiwasan ang mabigat na daloy ng traspiko dulot ng iisang labasan ng mga mag-aaral.

--Ads--

Maigting din nilang babantayan ang pagsusuot ng helmet ng mga magulang naghahatid at sumusundo sa kanilang mga anak sa paaralan.

Sa ika-9 ng Hunyo ay nakatakdang makipag-pulong ang POSD sa Schools Division Office (SDO) Cauayan upang pag-usapan ang ilang mga paghahanda hinggil sa nalalapit na pagsisimulang School Year 2025-2026.