--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Public Order and Safety Division na wala na umanong presesnya ng mga Badjao na namamalimos sa Lungod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na kung mayroon man silang mamataan na mga Badjao ay agad nila itong dinadala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pinapakain.

Mayroon din aniya silang koordinasyon sa mga namamahala sa mga ito sa Lungsod ng Santiago at bago ito i-turn over doon ay sumasailalm muna sa orientation ang mga ito bago ibalik sa naturang Lungsod.

Sa may bahagi aniya ng Muslim area tumutuloy ang mga ito sa Cauayan City ngunit hindi umano sila bahagi ng grupo ng mga Muslim.

--Ads--

Batay sa pakikipag-ugnayan nila sa mga Badjao ay mayroon umanong nagpadala sa kanila mula sa Mindanao para magtungo rito sa Isabela at manlimos.

Kinondena din ni POSD Chief Mallillin na ang ginawang pangha-harras ng grupo ng badjao sa mga motorista na kanilang hinihingan ng limos sa may bahagi ng Gamu, Isabela.

Gayunpaman ay tiniyak naman niya na kung sakali mang mapadpad ulit na mga nanlilimos sa lungsod ay tatratuhin pa rin nila ang mga ito ng tama upang hindi nila malabag ang karapatan ng mga ito.