--Ads--

CAUAYAN CITY-Nagpaalala ang pamunuan ng Public Order and Safety Division sa mga pasahero na iwasang sumakay sa mga colorum na sasakyan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya dahil balik eskwela at trabaho na ang mga kababayang nagbakasyon ngayong holiday season ay nakipag ugnayan na sila sa mga Terminal para sa posibleng pagdagsa muli ng mga pasahero.

Kasabay nito ang paalala ng POSD sa mga pasahero na huwag tangkilikin ang mga colorum na bumiyahe ngayong pasko at bagong taon na walang franchise at walang permit upang makatiyak ang ligtas na pagbiyahe.

Bilang hakbang laban sa mga colorum ay nag deploy na sila ng personnnel kasama ng highway patrol group para suriin ang permit ng mga namamasadang sasakyan kabilang din sa mga babantayan ngayon ang mga sasakyang na ngongontrata.

--Ads--

Paalala din nila na ang tanging designated terminal na sakayan at babaan ng pasahero ay ang SM City Terminal.

Samanatala, sa ngayon ay maghihigpit na muli sila sa paghuli ng mga bawbaw na mga motorsiklo na naglipana sa mga National highway noong Bagong Taon.

Sa ngayon maliban sa mga maiingay na tambutso ay maghihigpit narin sila sa mga motoristang walang helmet.

Plano naman ngayon ng POSD na imungkahi ang pagpapagawa ng overpass sa Cabatuan road corner quezon st.

Sa katunayan ay una a na siyang inatasan ni Mayor Jaycee Dy na magtungo sa malalaking siyudad para obserbahan ang mga umiiral na traffic regulation na maaaring ma adopt ng Lunsod.