--Ads--

Naging matagumpay ang aksyon ng Public Order and Safety Division (POSD) ng Cauayan City sa paglutas ng problema sa illegal parking sa mga kakalsadahan ng lungsod sa pamamagitan ng pangangadena o clamping system sa mga sasakyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, Chief ng POSD Cauayan City, sinabi niyang bawal na ang pag-park kung saan-saan bilang obstruction sa kalsada. Ang pangangadena ang ipinatupad bilang alternatibo sa direktiba na bawal na i-confiscate ang driver’s license. Tinaya niya na halos 50% ng publiko ang sumusunod sa panuntunan at naging epektibo ang sistema.

Kapag nakadenahan ang sasakyan, nakalagay sa resibo ang violation at ang penalty ay dapat bayaran sa City Treasurer’s Office. Ayon sa POSD Chief, tinatayang 30 sasakyan ang nakakadenahan kada araw, at dati ay nagiging sanhi ng galit ang pag-confiscate ng lisensya, lalo na sa mga motorista na wala pang lisensya.

Aniya, patuloy ang POSD sa pagmo-monitor ng mga kalsada at magpapatupad ng clamping sa iba pang lugar kung kinakailangan. Hinikayat din nila ang publiko na maging responsable sa pag-parking upang maiwasan ang penalty at mapanatili ang kaayusan sa lungsod.

--Ads--