--Ads--

CAUAYAN CITY – Welcome development ang pahayag ng Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay sa posibilidad na tuluyan nang pagsasaayos at pagbubukas ng Ilagan-Divilacan road.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Venturito Bulan ng Divilacan, sinabi nya ng napakagandang balita ito lalo at sariwa pa sa kanila ang naganap na trahedya nang bumagsak ang isang piper plane sa bahagi ng Sierra Madre na nagudulot ng takot sa kanila na sumakay ng eroplano.

Sa katunayan aniya ay aabot na ng 29 kilometers ang kongkreto sa ginagawang daan mula sa Lungsod ng Ilagan at higit 60 kilometers pa ang hindi pa nasasaayos na puntiryang matapos sa mga susunod na taon na popondohan ng higit isang bilyong piso.