Nanatili ang abiso ng Philippine embassy sa mga Pilipino sa Damascus Syria na manatili lamang sa kanilang mga bahay dahil sa tiyansa ng mga panaka-nakang pag-atake matapos mailipat na ang kapangyarihan sa syrian rebels.
Inaasahan ding madadagdagan pa ang 25 Filipino na nanatili ngayon sa shelter ng Philippine embassy kung saan ilan sa kanila ay iniwan ng employer habang may ilang natakot na manatili sa kanilang bahay.
Sa katunayana may mga nagpahayag na ng kagustuhang makauwi na sa Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program.
Sa nagayon ay wala pang malinawna pasya dito dahil nanatiling nakasara parin ang Damascus International Airport na inaasahang magbubukas sa December 18,2024.
Oras na maging available na ang flights ay agad na rerepasuhin ng Embahada ang papeles ng mga Pilipinong nais na mag pa repatriate kabilang ang mga may nakabinbin na kaso .
Posibleng magbago naman ang naturang mga impormasyon sakaling magbalik normal na ang sitwasyo sa Damascus dahil maraming Pilipino doon ang nakapangasawa na ng Syrian Nationa habang may mga napamahal na rin sa kanilang mga employer.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Damascus Philippine Embassy Chargé d’affairs John G. Reyes, sinabi niya na kumpara sa mga nakaraang araw ay bahagyang humuhupa na ang tensyon dahiol nag bukas na ang ilang mga tindahan ng commodities na maaaring bilhan ng mga pangunahing panganagilangan ng mga residente sa Damascus.