CAUAYAN CITY-Nakadeploy na ang search and Rescue team matapos mabuo ang incident managament team para sa paghahanap sa nawawalang Cessna 206 RP-C1174 na may sakay na 6 katao.
Mayroon na ring isinasagawang ground search ang mga kasapi ng 95th Infantry Batallion, Maconacon Police Station at PNP Provincial Mobile Force Company at hindi sila titigil hanggat makita ang nawawalang cessna plane
Sa inisyal na ulat ng binuong incident managament team, sinubukang tawagan ng kamag-anak ang telepono ng isa sa mga pasahero ng nawawalang eroplano at ito ay nag-ring subalit walang sumasagot.
Ibinigay ang numero sa telecommunication provider at natukoy ang cellphone ay nasa loob ng 20 kilometer radius mula sa cellsite sa Maconacon, Isabela.
Ito ay tumutugma sa mga iba pang nakuhang impormasyon sa areas ng sapinit at Dicambangan sa Divilacan,Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Joshua Hapinat ang itinalagang spokesperson sa ginanap na pagpupulong ng incident Command Team, sinabi niya na nagsasagawa na ng ground search ang 95th Inafantry Battalion sa natukoy na lokasiyon na posibleng dinaan ng nawawalang Cessna 206 na may lulan na anim na pasahero kabilang ang isang piloto.
Pangungunahan ng 5th ID, Maconacon Police station at PNP Provincial Mobile Force Company ang ground search na kasalukuyan na ring naka-deploy sa Maconacon Isabela.
Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Joshua Hapinat ang itinalagang spokesperson sa ginanap na pagpupulong ng Incident Command Team, sinabi niya na nagsasagawa na ng ground search ang 95th Inafantry Battalion sa natukoy na lokasiyon na posibleng dinaan ng nawawalang Cessna 206 na may lulan na anim na pasahero kabilang ang isang piloto.
Pangungunahan ng 5th Infantry Division Phil. Army, Maconacon Police station at PNP Provincial Mobile Force Company ang ground search na kasalukuyan na ring naka-deploy sa Maconacon, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Ezikiel Chavez ng Divilacan, Isabela na sinimulan na ng MDRRMC Divilacan ang search and rescue sa posibleng daanan ng nawawalang Cessna 206 .
Sinabi ni MDRRM Officer Chavez na nagsagawa ng search and rescue sa Ilagan- Divilacan at batay sa pagtatanong nila sa mga dumagat ay sinabi nilang wala silang napansin na eroplanong lumipad kahapon.
Katuwang ng MDRRMC Divilacan ang mga sundalo sa pagsasagawa ng ground search at kalat kalat ang kanilang isinasagawang operasyon.
Nahihirapan sila sa kanilang operasyon dahil sa hindi magandang lagay ng panahon ngunit tatlong team ngayon ang binuong naghahanap sa bahag ng Dicambangan, Sapinit at Dacaroyan sa bayan ng Divilacan, Isabela.