Aasahan ng publiko ang full deployment ng mga tauhan ng Public Order and Safety Management Office ngayong Holy Week.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ron Paguirigan ang Officer-in-Charge ng Public Order and Safety Office, sinabi niya na noong nakaraang linggo ay nagbigay na ng kautusan si Mayor Jay Diaz na dapat makapaghanda na sila para sa holy Week.
Inaasahan aniya ang full deployment ng nasa 124 personnel ng POSU sa lahat ng strategic areas kabilang ang transport terminal kung saan makakasama nila ang PNP-SWAT at K-9 unit sa pagbabantay at inspection.
Tututukan din nila ang mga tourist destinations, Abuan River Eco Park at pangunahin pang mga ilog sa Lunsod dahil sa pagdagsa ng mga tao ngayong mahal na araw.
Magsisilbi silang karagdagang pwersa kasama ang PNP at PDRRMC personnel.
Naitatag na rin nila ang kanilang command post sa Barangay Alibagu at Barangay Calamagui.
Dahil long week end at bilang obserbasyon ng Semana Santa ay binigyan sila ng mandato na iwasan muna ang pagbibigay ng ticket sa mga lalabag sa batas trapiko para kahit papaano ay mabigyan ng pagkakataon ang mga mamasyal na mag enjoy gayunman pina aalalahanan parin ang mga motorista na maging responsible sa paggamit ng sasakyan.
Mananatili aniya ang PNP check point bagoi pa man makapasok sa town proper para tiyaking ang mga motoristang bumabaybay sa kalsada ay may sapat na proteksyon sa katawan gayan ng safety gear at helmet.