--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa apatnaput anim na piraso ng nangingitlog na manok ang pinagsasaksak at pinagutan ng ulo ng hindi pa nakikilang pinaghihinalaan sa isang poultry farm sa Brgy. Daramungan Norte, San Mateo,Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula kay PO3 Ferdinand Cristobal ng San Mateo Police Station, nasa tatlo hanggang limang saksak ang tinamo ng bawat manok.

Sa nasabing bilang, nasa 30 piraso ng manok ang pinugutan ng ulo.

Lumabas din sa kanilang pagsisiyasat na posibleng ginawa ito kagabi at hindi napansin ng gwardiya ng manukan ang pangyayari.

--Ads--

Palaisipan din sa mga otoridad ang motibo sa pangyayaring ito dahil iniwanan lamang sa lugar ang mga pinugutang manok.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng pulisya ang kuha ng CCTV Camera sa naturang manukan para sa posibleng pagkakatukoy ng mga suspek.