CAUAYAN CITY – Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagkasunog ng isang poultry farm sa San Isidro, Luna, Isabela kaninang alas kuwatro ng madaling araw.
Ang may-ari ng poultry farm ay ang negosyanteng si Menchie Huang, residente ng Mambabanga, Luna at nasa ibang bansa umano ngayon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO2 Elmer Parallag, Municipal Fire Marshalll ng BFP Luna, sinabi niya na nakatanggap sila ng tawag dakong 4:09 madaling araw subalit nahirapan silang makarating sa pinangyarihan ng sunog dahil bukod sa malayo at mahirap ang daan.
Aniya, naideklarang fireout ang sunog kaninang 5:45 ng umaga.
Tumulong ang mga bumbero ng mga kalapit na bayan ng Luna tulad ng Cabatuan at Lunsod ng Cauayan sa pag-apula sa sunog.
Tinatayang mahigit 100 meters ang nasunog na poultry farm at aalamin ng BFP kung talagang 20 million pesos ang halaga nito.
Ayon pa kay SFO2 Parallag, kahapon lamang naikarga sa poultry farm ang 30,000 na sisiw.
Sinasabing nagsimula ang apoy sa ginagamit na heater sa poultry farm.
With reports frmBombo Kervin Gammad
Photo Credit: BFP Luna