--Ads--

Tinupok ng apoy ang lumang planta ng Magnolia Dressing Plant na nakahimpil sa Barangay Garit Sur, Echague, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na sumiklab ang sunog pasado alas-5 hanggang alas 6 ng gabi sa line 1 o lumang planta ng dressing plant.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gretchen Sales empleyado ng planta sinabi niya na maliit pa ang apoy ng magsimula na silang lumikas na mga empleyado na tinatayang umaabot sa anim na raan na mangagawa dahil sa sunog.

Aniya ang nasunog ay ang lumang planta na kasalukuyang sumasailalim sa renovation, doon aniya kinakatay ang malalaking manok.

--Ads--

Doon din aniya nakalagay ang mga lumang dokumento, crates, at mga karton.

Nagtulong tulong ang iba’t ibang mga istasyon ng Pamatay Sunog mula sa mga kalapit Bayan ng Echague Para maapula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire control pasado alas-7 ng gabi.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP Echague at  inaalam pa ang sanhi ng sunog.