Iminungkahi ni City Councilor Atty. Paul Mauricio ng Committee on Laws ang pagsasagawa ng Committee Hearing para ipatawag ang pamunuan ng Primark Cauayan City bago magpasa ng resolusyon para irevoke ang prangkisa ng Primark o LKY.
Sa kaniyang talumpati binigyang diin niya na pabor sila sa pag revoke sa prangkisa ng Pribadong Pamilihan o LYK subalit nararapat lamang aniya na maidaan ito sa tamang proseso para hindi mabalikan ang City Council lalo at ang LYK ay isang malaking kumpaniya na may sariling mga abogado.
Aniya handa niyang mag preside sa Committee of the whole para mailatag ang mga kinakailangang ebidensya na gagamitin para sa revocation.
Sa kabila ng panukalang committee hearing maraming mga Lehislador kabilang na si Vice Mayor Benjie Dy ang kumuwestiyon dito lalo at makailang ulit na rin aniya silang nakapag sagawa ng pagdinig ukol dito.
Samantala, pumabor naman si SP Member Eleazar Delmendo sa suwestiyon ni SP Mauricio subalit kailangan aniya na huli na ang gagawing hearing at dapat na manindigan ang konseho para sa revocation ng prangkisa.
Aniya, kailangan lamang naman aniya ay maipaalam sa LKY ang ginagawang hakbang ng council na naging basehan sa pagbawi sa kanilang prangkisa.
Matatandaan na nag-ugat ang ginagawang imbestigasyon sa Pribadong pamilihan dahil sa paulit-ulit na reklamo at kamakailan natuklasan ang hindi pagbabayad ng kumpaniya ng karampatang tax.











