--Ads--

CAUAYAN CITY  Nagsagawa ng prayer rally ang Cauayan City Police Station ngayong araw upang ihayag ang kanilang pagkondena sa mga nagaganap na armed conflict o armadong pakikibaka ng mga makakaliwang grupo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan City, sinabi niya na maliban sa pagsasagawa ng mga information drive ay nais din nilang maipahayag ang kanilang pagnanais na mawakasan na ang armed conflict sa pamamagitan ng prayer rally.

Naniniwala siya na mas magiging mabisa ang pagsusulong sa kanilang kampanya kung sasamahan ng panalangin.

Ayon sa opisyal, nagsisilbing hadlang ang presensya ng mga makakaliwang grupo sa paghahatid ng mga programa ng pulisya lalo na sa mga liblib na lugar.

--Ads--

Kaugnay nito ay nanawagan siya sa publiko na huwag nang magpalinlang sa mga panghihimok ng makakaliwang grupo upang magkaroon ng payapang lipunan.

Katuwang ng PNP Cauayan City sa pagsasagawa ng prayer rally ang Jesus Reigns Isabela.

Ayon kay PLt. Topinio, ang kanilang aktibidad ngayong araw ay bahagi na rin ng kanilang pagdiriwang ng Bonifacio day ngayong katapusan ng Nobyembre.

Tinig ni PLt. Scarlette Topinio.