CAUAYAN CITY – Hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) Isabela Chapter ang mga nagnanais na magdonate ng dugo na makiisa sa pagdiriwang ng World Blood Letting Day bukas, June 14, 2022.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PRC Isabela Chapter Administrator Josie Stephany Cabrera, sinabi niya na pinaghandaan nila ang pakikiisa sa World Blood Letting Day.
Sa ngayon ay mababa ang nalilikom na dugo ng PRC Isabela chapter kumpara sa mataas na demand ng mga nangangailangan ng dugo.
Pangunahin sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo ay mga sumasailalim sa dialysis, mga sasailalaim sa surgery, nanganganak, at mga naaksidente habang tumataas din ang demand sa blood platelets na kailangan ng mga pasyenteng may dengue.
Ayon kay Ginang Cabrera, ang blood platelets ay nakukuha sa sariwang dugo mula sa mga walk-in blood donors.