--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula na ang pre-anniversary activities para sa nalalapit na 41st founding anniversary ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa May 15, 2022.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Capt. Rigor Pamittan, DPAO chief ng 5th ID na nagsimula ang pre-anniversary activities ng 5th ID noong April 8 sa pamamagitan ng tatlong araw na static display sa isang mall sa Alibagu, lunsod ng Ilagan.

Mayroon din itong kasamang libreng medical check up at COVID-19 vaccination.

--Ads--

Mayroon ding recruitment booth at reserve force booth para sa mga gustong magtanong kung paano sumali sa Philippine army.

May mga nakadisplay ding larawan tampok ang mga accomplishments ng 5th ID sa mga nakaraang taon.

Nagbigay naman ng saya ang combo ng 5th ID sa lahat ng mga mall goers.

Kahapon, araw ng linggo ang huling araw ng kanilang static display at naidisplay ang armored personnel vehicle sa entrance ng mall para makapagpicture ang mga gustong makakuha ng larawan.

Bukod sa static display ay isasagawa rin sa pre-anniversary activities ng 5th ID ang sportsfest, License To Own And Possess Firearms (LTOPF) caravan at mass wedding.