CAUAYAN CITY- Tiniyak.ng hanay ng CDRRMO Cauayan na may sapat na kagamitan ito para rumesponde sa mga insidente na dulot ng kalamidad sa lungsod.
Kasunod ito ng isinagawang rescue challenge kamakailan kung saan inihanda ang mga rescuer sa pagsasagawa ng disaster response and rescue mission.
Ayon kay Operations Officer Danilo Asirit Jr ng CDRRMO Cauayan, ang kanilang paghahanda ay bahagi ng mga paunang hakbang upang makatugon ng tama sa tuwing may mga disaster response and rescue mission.
Aniya, sapat din ang mga kagamitan na mayroon ang CDRRMO office sa pagsasagawa ng rescue mission sa kanilang nasasakupan.
Aniya, nagagamit na rin ito sa iba pang mga bayan kung sakaling kailanganin nila ng tulong.
Samanatala, nagsagawa ng pre disaster risk assesment ang Cauayan City Disaster Risk Reduction and Managment Council bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Crising sa lalawigan ng Isabela.
Dito ay nagkaroon ng assessment ng mga kakailanganin at mga gagawin sakaling tumindi ang tama ng naturang bagyo. .
Nakiisa ang lahat ng mga concerned agencies sa nasabing pre disaster risk assesment at inilahad ang mga maipaaabot na tulong lalo na sa pagkakaroon ng mga tao at sasakyang gagamitin sa pag-responde.
Dito rin ay naglabas na ng direktiba ang mga LGU hinggil sa paghahanda ng mga evacuation centers na maaring tuluyan ng mga maapektuhan ng bagyo.











