Isinagawa na ngayong hapon ang pre-emptive evacuation para sa mga residenteng malapit sa dalampasigan sa Dinapigue, Isabela bilang paghahanda sa inaasahang pag-land fall ng Bagyong Paolo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Vicente Mendoza ng Dinapigue Isabela, sinabi niya na agad siyang nagpatawag ng pagpupulong para sa paghahanda at gagawing pre-emptive evacuation para madala sa ligtas na lugar ang mga residente dahil sa banta ng Bagyong Paolo.
Aniya, karamihan sa mga ililikas ay mula sa coastal brangay at low laying areas na binubuo ng humigit kumulang tatlong daang katao.
Sa ngayon may pre-positioned goods na sila habang naka antabay na rin ang mga concerned agencies para sa mabilisang pagtugon kung kinakailangan.
Identified na rin ang mga evacuation centers sa bawat barangay habang may ilang mga eskwelahan pa ang tinutukoy na maaaring pansamantalang evacuation center.











