Nakatakda na ang pre-trial hearing laban sa ilang dating engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa darating na Abril 13.
Ayon kay Department of Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez Polo Martinez, dadaan sa pre-trial ang mga kasong malversation, falsification, perjury, at graft laban kina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at iba pang akusado sa Quezon City Regional Trial Court.
Ang tatlong magkakahiwalay na kaso ay unang isinampa noong Enero at Pebrero sa Bulacan Regional Trial Court, kaugnay ng mga proyekto ng SYMS Construction sa nasabing lalawigan.
Sa pre-trial hearing, inaasahang pag-uusapan ng magkabilang panig ang mga ebidensiya, listahan ng mga saksi, at iba pang isyung kailangang linawin bago tuluyang simulan ang paglilitis.
Kabilang sina Hernandez, Mendoza, at ang SYMS Construction sa mga idinadawit sa umano’y flood control scandal sa Bulacan.










