--Ads--

CAUAYAN CITY Umapela ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) kaugnay ng Uniformed Travel Protocol na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga Local Government Units (LGU’s).

Nakasaad sa  IATF Resolution No. 101 na hindi na mandatory ang COVID-19 testing at quarantine sa mga manlalakbay gayundin na hindi na kailangan ang travel authority at medical certificate para makabiyahe ang mga mamamayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Dakila Carlo Cua ng Quirino, presidente ng ULAP, sinabi niya na kung sa air at water transportation ay applicable ang pagtanggal sa mga travel documents dahil kakaunti lang ang gumagamit nito kumpara sa land-based transportation tulad ng mga bus, jeep at van na marami ang sumasakay.

Iginiit ni Gov. Cua na kapag ganap na tinanggal ang pag-require sa mga travel documents ay mapapawalang bisa na rin ang mga checkpoints na malaking tulong sa pamahalaan sa contact tracing.

--Ads--

Kapag tatanggalin na ang mga travel documents ay kailangang mag-isip ang mga otoridad ng ibang solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Aon kay Gov. Cua, hindi naman sila tutol sa naging hakbang ng IATF ngunit dapat isaalang-alang na magkakaiba ng sitwasyon ang bawat lugar.

Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng ULAP sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para maipatupad ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang pahayag ni Gov. Dakila Carlo Cua