Ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga chief executives sa Lambak ng Cagayan ang Milyong halaga ng tulong dahil sa iniwang peketo ng sunod sunod na Bagyo.
Sa kaniyang talumpati ibinida ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang interventions na ginagawa na ng Pamahalaan para matiyak ang maayos na kabuhayan ng mga magsasaka, at mangingisda.
Ang pondo ay mula sa Tanggapan ng Pangulo kung saan inilaan para sa tulong sa mga naapektuhang LGU, tumanggap din ng 10,000 pesos ang 1,500 na magsasaka at mangingsida na naapektuhan ng kalamidad sa Isabela.
Personal na tinanggap ni Governor Dakila Cua ang presidential assistance na 50 million pesos para sa Lalawigan ng Quirino at Governor Rodito Albano para sa Lalawigan ng Isabela.
Nagpaabot din ng tulong ang Pangulo sa Tuguegarao City at 20 munisipalidad ng Cagayan partikular sa mga Bayan ng Iguig, Lal-lo,Lasam,Penablanca,Piat,Rizal, Sta. Praxedes,Sto. Nino,Solano,Tuao,Abulug,Alcala,at Pamplona.
Tiniyak ng pamahalaan ang patuloy na pagsisiskap na gumawa ng mga hakbang upang maka adopt sa pabago bagong klima.
Binigyang pansin din ng pamahalaan ang master plan para sa mga major river basin sa Bansa kabilang ang Cagayan River Basin.
Kasalukuyan rin ang rehabilitasyon ng Magat Dam at iba’t ibang flood control projects gaya ng Tumawing River Multi purpose project na inaasahang makakatulong sa patubig para sa mga magsasaka.
Hinikayat din ng pangulo ang mga LGU at mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking matatapos ang lahat ng mga poryektong naihanay na ng Pamahalaan para sa agarang aksyong sa panahon ng kalamidad.
Binigyang mandato na rin ng pangulo ang DSWD na asikasuhin at tiyaking napapangalagaan ang mga 1st responders na siyang nangunguna sa panahon ng sakuna.