--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagya nang tumaas ang presyo ng mga Bulaklak sa Lungsod ng Cauayan habang papalapit ang Undas.

Sa ngayon ang pinaka-murang bulaklak na pandalaw ay nasa 200 pesos depende sa klase ng bulaklak.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Magie Acido, isang florist, sinabi niya asahan ang mas lalo pang pagtaas ng presyo dahil kadalasan umanong nagtataas ng preyo ang kanilang mga supplier tuwing undas.

Maliban aniya sa kadahilanang mataaas na demand ay nakaaapekto rin aniya ang mga nararanasang pag-ulan kaya tumataas ang presyo ng bulaklak.

--Ads--

Aniya, maari umanong umabot sa 100 pesos ang maaring itaas sa presyo depende sa uri at kalidad ng bulaklak.

Tiniyak naman niya na magiging sapat ang suplay ng bulaklak dahil marami naman umano silang kinukuhanan ng suplay kagaya na lamang sa Baguio, Manila at kayapa Nueva Vizcaya.