--Ads--

Pinaghahanda ang mga motorista sa panibagong malaking pagtaas sa presyo ng diesel na maaaring umabot sa P2.70 kada litro sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng Jetti Petroleum ngayong Biyernes, inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.70 kada litro simula Nobyembre 4.

Kapag ito ay naipatupad, ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng diesel.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas din ng P1.50 hanggang P1.70 kada litro.

--Ads--

Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ipataw ng Estados Unidos ang sanctions laban sa mga kumpanyang Ruso na Rosneft at Lukoil, na bumubuo ng mahigit 5 porsiyento ng kabuuang production ng langis sa mundo.

Ang mga parusang ito ay nagdulot ng malaking pangamba at kawalan ng katiyakan sa merkado, kaya’t lumalakas ang presyo ng diesel at gasolina kahit hindi gaanong gumagalaw ang presyo ng krudo.