--Ads--

‎Bahagyang tumaas ang presyo ng gasolina ngayong buwan ng Oktubre sa lungsod ng Cauayan

‎Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kuya Adrian, supervisor ng isang gasolinahan sa Barangay San Fermin, sinabi nitong umabot sa 0.30 cents ang itinaas sa presyo ng gasolina nitong nakaraang Martes, habang nanatiling walang pagbabago sa presyo ng diesel.

‎Ayon kay Kuya Adrian, kahit maliit lang ang dagdag-singil, ramdam ito ng mga motorista, lalo na ang mga tricycle driver.

‎Sa kasalukuyan, ang presyo ng FuelSave Diesel ay ₱60.29 kada litro, habang ang V-Power Diesel ay ₱69.50. Ang FuelSave Gasoline naman ay ₱59.40, at ₱61.40 para sa V-Power Gasoline.
‎‎
‎Patuloy na binabantayan ng mga motorista ang galaw ng presyo ng petrolyo, lalo na’t may epekto ito sa pamasahe at presyo ng mga bilihin.