--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagyang tumaas ang presyo ng mga gulay sa Lambak ng Cagayan dahil sa anim bagyong magkakasunod na tumama sa Rehiyong Dos.

Sa ngayon ang presyo ng kamatis ay naglalaro sa 120-200 pesos per kilo habang ang ampalaya naman ay mabibili na sa halagang 130 pesos kada kilo.

Naglalaro naman sa 50-80 pesos ang pechay habang ang per kilo naman ng talong ay pumalo na sa 120-180 kada kilo, ang repolyo ay 70-100 pesos kilo habang ang kada kilo ng carrots ay mabibili sa halagang 100-120 pesos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ma. Rosario Paccarangan, Agri-Business and Marketing Assistance Division Chief ng Department of Agriculture Region 2, sinabi niya na nasa 10-50 pesos ang itinaas ng ilang mga gulay.

--Ads--

Karamihan kasi sa mga gulay na isinusuplay sa mga pamilihan sa Rehiyon ay nagmumula sa Nueva Vizcaya na nasalanta ng nagdaang mga bagyo.

Hinihikayat naman nila ang lahat ng Local Government Unit na magsagawa ng Kadiwa ng Pangulo upang makabili ng abot kayang presyo ang mamamayan.