--Ads--

Nagkaroon ng 6 pesos hanggang 17 pesos na price adjustment ang ilang gulay sa Region 2 dahil sa magkakasunod na kalamidad na tumama sa Banso nitong Setyembre at Oktubre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ma. Rosario Pacarangan ang Chief-Agribusiness and marketing Division ng DA Region 2, sinabi niya na abala sila sa pagsasagawa ng price monitoring.

Aniya batay sa monitoring nagkaroon ng bahagyang pagsirit sa presyo ng gulay dahil sa magkakasunod na Bagyong nanalasa sa Bansa.

Ilan sa mga gulay na biglang tumaas ang presyo ay ang Ampalaya na kasalukuyang nasa P101/kg, Sitaw, Petchay, Kalabasa, at Kamatis habang stable naman ang presyo ng carrots na nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo mula P190/kg noong Setyembre ngayon ay P175/kg habang ang Luya ay nanatili sa kasalukuyang presyo.

--Ads--

Maliban dito may ilang klase pa ang gulay ang nagkaroon ng pagbabago sa presyo dahil na rin sa mga napinsalang pananim ng ilang mga magsasaka.

Samantala, stable parin ang presyo ng manok na kasalukuyang nasa P218/kg habang ang baboy ay may pagbaba ng piso.

Nagkaroon naman ng pagtaas sa presyo ang baka.

Ayon pa kay Pacarangan posible pang tumaas ang kasalukuyang presyo ng mga nabanggit na gulay habang papalapit ang kapaskuhan.