CAUAYAN CITY- Inaasahang tataaas ang presyo ng ilang mga gulay sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) sa papalapit na holiday season.
Ito ay kinabibilangan ng Beans, Pipino, Carrots, Patatas, Lettuce at iba pang mga gulay na mataas ang demand pagsapit ng pasko o holiday.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Julio Basilan, Price Monitoring Coordinator ng NVAT, sinabi niya na nang dahil sa alam ng mga magsasaka kung ano ang mga gulay na in-demand tuwing holiday season ay ito ang itinanatim ng karamihan.
Dahil dito ay nagsasabay-sabay ang kanilang pag-ani ng pananim na siyang sumisira sa presyo dahil sa labis na supply sa merkado.
Pinapayuhan naman nila ang mga magsasaka na ugaliing I-monitor ang mga gulay na itinanim sa mga karatig na lugar at huwag nang gayahin pa ang itinanim na gulay ng ibang magsasaka para hindi magkaroon ng oversupply.
Sa ngayon ay hindi pa naman nila matukoy kung magkano ang magiging presyo ng mga gulay sa Disyembre dahil nagbabase umano sila sa law of supply and demand.