--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng itlog ngayong buwan ng Marso sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Michelle Gammad, tindera ng itlog, sinabi niya na bumaba ng P15 hanggang P25 ang presyo ng kada isang tray ng itlog.
Ang presyo ng kada tray ng small ay P175, ang medium ay P180, ang large ay P190 habang ang extra large ay P220, at ang Jumbo ay P245.
Ayon pa kay Gammad, nakakamura ang mga mamimili kung kada tray ang kanilang binibili.
--Ads--
Kung kada piraso aniya ay P8 na ang pinakamura habang P12 naman ang pinakamahal.
Aniya, mas mababa ang presyo ngayon kumpara noong mga nakalipas na buwan dahil di hamak na mas marami ang supply sa ngayon.
Tinig ni Michelle Gammad, tindera ng itlog.