--Ads--

Nagkaroon na ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga kakanin sa pribadong pamilihan ng Cauayan.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Lorna Cuaresma, aniya, ang pagtaas sa presyo ng kakanin ay bunsod sa pagtaas ng mga sangkap at mga kagamitan tulad na lamang ng malagkit, asukal, niyog at maging ang pagtaas sa presyo ng dahon ng saging.

Sa ngayon kasi aniya ay 30 pesos na kada kilo ang presyo ng dahon ng saging mula sa dating 20 pesos lamang. Pahirapan na rin aniya ang pagbili ng dahon dahil nasira ang mga ito sa nagdaang bagyo.

Dagdag pa niya, tuwing ipinagdaraos ang undas ay mas mabili kasi umano ang mga kakanin na binabalot sa dahon ng saging kaya minabuti nalang nilang taasan ang presyo kaysa hindi magtinda.

--Ads--

Sa ngayon ay marami na rin umano silang natatanggap na reservations ng mga kakanin mula sa kanilang customers kahit pa man nagkaroon ng pagtaas sa presyo nito.