--Ads--

Lalo pang tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Belina Barboza, Isabela Provincial Veterinarian, sinabi niya na batay sa kanilang huling monitoring noong Pebrero 10 ay naglalaro sa 230 – 265 ang live weight ng baboy habang umaabot naman sa 320 – 390 ang dressed weight.

Sa bayan ng San Mariano, Isabela ay 390 kada kilo ang presyo ng karne ng baboy na pinaka-mataas sa lalawigan, sumunod naman ang Cabatuan, Alicia at Roxas na pawang 380 pesos ang preyo ng karne.

Pinaka-mababa naman ang presyo ng karne ng baboy sa Tumauini na 320 pesos, habang ang Jones, Cordon at Aurora na pawang 340 pesos per kilo.

--Ads--

Batay sa kanilang monitoring, sapat naman aniya ang suplay ng karne sa bawat bayan ngunit isa naman sa tinitignan nilang dahila ay ang pagtaas ng production cost tulad na lamang ng feeds.

Hinihikayat naman niya ang mga farmers na mag-alaga ng baboy upang mas dumami ang suplay ng baboy sa lalawigan.

Pinawi naman niya ang pangamba ng mga Hog Raisers hinggil sa African Swine Fever dahil naideklara ng pink zone ang marami sa mga bayang nagkaroon ng kaso ng ASF noong nakaraang taon.