--Ads--

CAUAYAN CITY- Bahagyang tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa City of Ilagan Public Market simula noong pumasok ang buwan ng Enero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Market Supervisor Gerry Manguira, sinabi niya na mula sa dating 340 pesos ay naging 350 pesos per kilo na ang liempo at kasim habang wala namang pagbabago ang straight cut.

Batay sa kanilang monitoring, pagsapit ng buwan ng Enero hanggang Abril ay bumababa na ang suplay ng baboy sa pamilihan.

Lahat aniya ng karne na isinusuplay sa pamilihan ay mula sa lahat sa Lungsod ng Ilagan dahil nag-iingat pa rin sila sa banta ng African Swine Fever kaya mahigpit ang pagbabantay sa mga entry at exit points sa Lungsod ng Ilagan.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pa naman silang namomonitor na na karne ng baboy na nakapasok sa pamilihan na positibo sa ASF dahil  maigting ang ginagawa nilang monitoring sa mga slaughterhouse.