CAUAYAN CITY- Bumagsak pa ang presyo ng live weight sa baboy ngayong buwan ng Agosto dulot ng ASF scare at pagkakatala nadin ng ASF sa ibang mga Bayan dito sa Lalawigan ng Isabela.
Sa monitoring ng Provincial Veterenary Office bumaba ang live weight ng 20 hanggang 30 pesos.
Ayon kay Dr. Belina Barboza na maliban sa live weight at bumaba na rin ang breast weight ng 30 hanggang 50 pesos sa iba’t ibang mga Bayan nitong Hulyo.
Ang pagbaba sa live at breast weight ay naka depende sa presyo bawat Munisipyo dahil may iba’t ibang variation at ang may pinakamalaking ibinaba ang presyo sa live weight ay ang Roxas, Isabela.
Iminumungkahi naman nila na panatilihin na lamang ang presyo sa live weight para kumita parin ang mga nag-aalaga ng baboy.
Patuloy na hinihikayat ng Provincial Veterenary Office ang mga hog raisers na huwag madismaya at ipagpatuloy ang pag-aalaga ng baboy basta siguruhin naipapatupad ang biosecurity measures.