CAUAYAN CITY- Bumaba ang presyo ng LPG sa lungsod ng Cauayan ngayong buwan ng Enero batay sa ipinatupad ng iba’t-ibang kumpanya.
Matatandaan na sa pagtatapos ng 2024 ay sunod sunod na price increase ang naranasan at nagkaroon naman ng roll back sa unang araw ng 2025 na epektibo na ngayong araw.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Robinson John Calderon, sinabi niya na apat na kumpanya na ang nagpatupad ng 10 pesos rollback sa bawat tangke/cylinder, habang ang tatlong brand naman na kanilang hawak ay wala pa ring abiso kung magkano ang rollback.
Magandang balita aniya ito sa mga konsyumer kahit pa man konting halaga lamang ang rollback ay tiyak naman na makatutulong ito lalo na sa mga may karinderya na karaniwang gumagamit ng LPG.
Sa ngayon ang presyo na ng bawat 11 kls na LPG ay nagkakahalaga ng 820 hanggang 1070 pesos dipende sa brand.
Umaasa pa ang mga nagtitinda na tuloy tuloy na ang rollback hanggang sa 1000 pesos below na lamang ang halaga ng lahat ng brand.